PARA SA BAYAN

 

 

MULA KAY DOK BRU

3 Enero 2021

Welcome sa bagong website ni Dok Bru! Nagsimula ang Dok Bru sa Facebook noong December 2012 kaya walong taon na pala akong nagsusulat bilang Dok Bru. Bilang isang endocrinologist, layunin ko ang makatulong sa mga Filipino na nais madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa mga karamdaman na may kinalaman sa hormones. Kasama dito ang diabetes at mga sakit sa endocrine glands tulad ng thyroid, parathyroid, adrenal at pituitary.

Kulang na kulang ang hanay ng mga endocrinologists sa Pilipinas para mapagsilbihan ang mga Filipino na nangangailangan ng mga doktor na dalubhasa sa endocrinology. May pandemya pa, kaya mas lalong hirap makapunta sa endocrinologist ang mga pasyente.

Matatagpuan dito sa website ang mga nasulat ko na tungkol sa iba’t ibang paksa na may kinalaman sa hormones. Sana makapagsulat pa ako ng karagdagan para makatulong ang website na ito sa inyo.

Ilang mga paalala –
Ang kaalaaman sa page na ito ay hindi maaaring ituring na personal na rekomendasyon para sa inyong kalusugan. Ito ay para lamang sa edukasyon ng publiko. Hindi ito maaaring humalili o ipalit sa pagkonsulta sa inyong doktor. Ang pagbasa ng mga impormasyon dito ay hindi nangangahulugan na pasyente ka na ni Dok Bru. Walang tinatanggap na pananagutan si Dok Bru para sa mga impormasyong makukuha mo dito. Wala rin po akong nirerekomenda o binebenta na kahit anong produkto o gamot.

 
Ingat kayo palagi,
 

Dr. Iris Thiele Isip Tan (aka Dok Bru)

 

 

 

 

APAT NA TANONG PARA KAY DOK

Kahit na ano pa ang inyong karamdaman, may apat na tanong na kailangang masagot ng inyong doktor.

KAILANGAN KO BA TALAGA

ang test, gamot o procedure na ito?

ANO ANG MASAMA

na puwedeng mangyari kung ipagawa ko ang test o procedure o inumin ko ang gamot na nirerekomenda?

MAY MAS SIMPLE BA O LIGTAS

na test o procedure na puwedeng gawin, o gamot na puwedeng inumin?

ANO ANG PUWEDENG MANGYARI

kung hindi ko ipagawa ang test o procedure o inumin ang gamot?