Pagpapakilala
Sino si Dok Bru?
Ako po si Dr. Iris Thiele Isip Tan. Ako ang may akda ng www.endocrine-witch.net. Kung isasalin sa wikang Tagalog ang witch, ito ay bruha. Doktor ako, kaya Dok Bru na lang.
Ako po ay isang internist. Ang isang internist ay doktor para sa mga taong edad 18 pataas. Puwede na ring sabihin, na ang internist at doktor ng lamang loob. 🙂 Ang isang internist ay hindi nag-oopera, tulad ng mga siruhano (surgeon).
Ako rin po ay isang endocrinologist. Ang mga sakit na tinitingnan ng endocrinologist ay patungkol sa mga hormones, tulad ng –
- diabetes
- bosyo (goiter)
- sakit sa parathyroid glands
- sakit sa adrenal glands
- sakit sa pituitary gland
Meron din po akong YouTube channel at Facebook page.
Iris Thiele Isip Tan
MD, MSc
Si Dok Bru ay isang propesor sa Kolehiyo ng Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtuturo siya tungkol sa endocrinology simula pa noong 2004.
May master’s degree din siya sa Health Informatics. Sa kasalukuyan, siya ang hepe ng Medical Informatics Unit at Director ng Interactive Learning Center sa Unibersidad ng Pilipinas Manila.
“She believed she could, so she did.”